Your IP Address: 38.107.191.110
Share
08
Dec
2009
Ang Ka'aba PDF Print E-mail

Sinulat ni This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it  

Paunang Salita
Ang Ka'aba ay ipinatayo ng propeta Abraham at ang kanyang anak na si propeta Isamil ito ay isang biyaya sa familiya ni Abraham upang ipatayo nila ang Bahay na ito. Dahil sa pagsunod at pagtalima ni Abraham sa mga kautusan ng Allah at binigyan siya ng biyaya. Dahil dito'y lahat ng taong mga Muslim sa buong mundo anoman ang kulay o pagkatao, mayaman man o hari o pangkaraniwan o pulubi ay puede pumapasok sa Makkah kung kaya nila ang gastos at iniikot nila ang bahay na ito at tatanggap sila ng gantimpala mula sa Allah.
 
Bahay  ng Allah
Kubong monumento na nakabalot ng telang itim at nakikita natin sa gitna ng Masjid Al-Haram sa Makkah; may sampu, isandaan o libulibong mga taong pumupunta at lumilibot nito taon-taon dependi sa panahon ng araw; sa umaga, tanghali, hapon, gabi, hating gabi, bago mag-madaling araw, medaling araw at iba pa, dalawamput apat oras ng isang araw at ang mga tao ay lumilibot ang mga tao sa dakilang kubong ito. Iba iba ang dami ng tao dependi sa mga oras ng araw, at iba rin ang mga oras ng isang taon at dependi rin sa mga panahon sa isang taon. Hindi katulad ng panahon na alam na ng mga tao. Hindi sa tag lamig o kaya sa tag-init, hindi naman tag-sibol o sa o sa taglagas na panahon, ito ay mga panahon ng mga relihiyoso o okasyon ng Islam.

Katulad ng tatlong buwan ng Rajab, Sha'ban at Ramadan, na mga panahon upang mag-umra (maliit na hajj), o kaya ang dalawang buwan ng Dhu Al Qa'edah at Dhu Al Hijjah na ito ay panahon ng pagsasagawa ng Hajj o Dakilang Hajj. Hindi ito kinakailangan ng panahon, katulad ng tag-ulan na kaunti lang sa isang taon, o kapag may araw ng 360 araw ng taon sa lugar ng mga Arabo. Napaka init sa karamihan ng panahon ng isang taon sa Makkah. At ang maliit na kubong bahay na ito na (nakatiklop) ng telang itim, ay pinaka dakila ng halaga sa mga Muslim, at sinasabing pinaka dakilang monumento. Pinangalanan ng Ka'abah at sinabi ring Bahay ng Panginoon Allah. Ang Allah sa kahulugan ng Arabic ay Diyos. 

Nakatira ba dito Ang  Allah?
May kaibigan akong galing sa Asia, dati siyang nagtatrabaho at nakatira dito sa Saudi Arabia ng matagal, masuwerte siya sa pagpunta rito at maka bisita sa Makkah ng maraming beses noong nandidito siya, sinabi niya sa akin na isa sa mga pagdalaw niya sa Masjid Al Haraam o kaya ang malaking Masjid sa Makkah, at habang siya ay nakaupo sa harap ng pintuhan ng Ka'abah, at binabantayan ang mga hajj at sila ay umiikot nito, ang matandang lalake na galing sa kanyang bansa ay umupo sa tabi niya at tinanong siya:, "kapatid dito ba nakatira ang Diyos?" Itinutoro ang Ka'abah. Ito ay halimbawa kung bakit ang mga taong baguhan o walang nalalaman kahit sa kanilang relihiyon mismo. Hindi nila tinatanong mismo ang sarili nila kung papaano ang Diyos na Siya ang lumikha sa mundo at lahat ng nasa loob niya kung siya ay tumira sa ganitong maliit na lugar. Ang Diyos ay hindi kasintulad ng diyosdiyosan o rebolto o istatowa upang ilagay sa loob ng lugar na ito. Ang Diyos ay Pinakadakila, at Siya ay pinakamalayo sa pag-iintindi nito. Siya ang Naglikha at tayo ang mga Nilikha Niya. Hindi Siya para sa ganitong limitadong lugar o sa anumang lugar.
 
Ang pagkabatid tungkol sa Pinakadakila, Maluwalhati at iginagalang na Sagisag (simbolo) at monumento ng Islam, ay nagbigay ng lakas loob upang maisalaysay ang umpisa at pagtanyad sa buong mundo sa madaling paraan, kaya kasama ang mga scholars, at para maintindihan na lahat at ako ay tiyak na may milyong mga taong sabik nilang malaman kung ano ang Ka'abah?, bakit siyang tinatawag na Bahay ng Diyos?, bakit at kailan siya itinayo?, sino ang nagpatayo? At ano ang loob nito?, bakit ipinatayo?, at marami pang mga katanongan.
 
Saan matatagpuan ang Allah?
Walang maging kasintulad ng Allah. Sa umpisa walang nakakita sa Allah, kaya masasabi naming kung saan Siya naruroon na hindi nating kayang matuklasan katao lamang. Ang Diyos ay nasa atin sa pakinig natin, pandinig, pagmasid, at alam Niya ang anumang bagay na sinasabi natin at ginagawa o ang nasa isip natin.
Ang Diyos ay nakatira sa puso natin at sa isip natin at sa espiritu natin. Siya ay nasa lahat lahat ng lugar na nakikita natin, at nasa lahat ng nakikita natin o hindi natin nakikita. Siya ay nasa anumang lugar at walang makakalampas sa Kanya. Hindi siya limitado sa isang lugar, wala Siyang limitado at Siya at Pinakadakila. Walang isang maka
 
Papaano natin malaman na ang Allah ay umiiral (tunay)?
Binigyan tayo bilang Tao ng utak para para makapagisip, at dahil doon nalaman natin na Siya ay umiiral (tunay). Kung pagisipan natin ang lahat ng nasabi sa taas, at kungpagmamasdan natin ang nakapaligid sa atin, malalaman natin na lahat ng bagay ay hindi magiging bagay dahil sa kanya lamang. (o kaya ang sinasabi ng ibang tao na itinuturing nilikha dahil sa kalikasan. Ano ang kalikasan? Dapat tanungin nila ang mga sarili nila). And Diyos (Allah) ay nilikha Tayo laht at lahat ng bagay.
At katotohanan alam natin lahat ang katunayan ng Allah dahil sa mga Propeta at sugo Niya na pinili niya na sugo para sa lahat ng tao. Kasama sa maraming dakilang sugo at propeta na pinili niya ay si Noah, Abraham, Moses, Jesus, at ang huli si Mohammad (pbuta), para sabihin nila sa atin tungko sa Allah at para turuan tayong mga tao paano Siya sambahin.
 
Bakit bahay ng Allah?
Ang maaring tanong ng ibang mga tao; bakit ang Allah ay gusto ng bahay na maitatayo?
Ang Ka'aba ay hindi ginawa para sa Allah upang tumira nito. Ito ay kauna-unang bahay na nagawa sa planeta ito at lugar na lahat ng tao ay magkakaisang magdarasal sa
 
palibut nito, magdarasal at mag-alaala sa Kanya sa lahat ng panahon ng magkakaisa at parepareho ng para-an. Ang pagharap sa bahay na ito tuwing pagdarasal ng mga Muslim ay sagisag ng kaisahan Niya. Ang lugar na nakatayo ang Ka'abah ay pinili noong simulang pinairal at noong bago pang ilikha ang Tao), noong wala pa ang tao. Ayon sa paniniwala ng mga Muslims, ang lugar na pinatayuan ng Ka'aba ay siya ang gitna ng mundo na ito.
 
Sa lahat ng bahagi ng mundo na ito, ang mga tao ay nagpatayo ng libu-libong bahay ng Diyos. Sa pamamagitan ng mga templo, simbahan, at bayah dalanginan para sambahin doon ang Diyos. Hindi katulad ng ibang mga lugar ng pinagdadasalan, myroong mahalagang laganap na pook ang Ka'abah, at ang lahat ng masjid sa buong daigdig ay ang:
1.        Nandoon ang kaisahan ng paniwala sa Diyos. Walang mga deidad, mga rebolto, o nakatayo o nakalagay na estatuwa at sinasamba o niluluwalhati (para humarap sa Ka'aba) sa mga bahay ng sambahan na ito, na itinayo para sa Islam, ang mga masjid at ang Ka'abah.
2.        Lahat ng masjid sa sanlibutan ay ginawa at ang harap ay ang Ka'abah, o Makkah dahil nandodoon ang Malaking Masjid, at nasa malaking masjid na ito ay ang Ka'abah. Ang direksiyon ay tinatawag na Qibla para sa mga Muslims.
Kahit nasaan ang masjids, sa Tokyo man o Timbuktu, Washington para Zimbabwe, Australia at New Zealand para Tashkent, ang mga Muslim ay nagpapatirapa at sumasamba sa Allah na nakaharap sa Ka'abah sa Makkah. Ito ang sagisag ng kaisahan ng paniwala nila at pagka-kapareho ng kanilang pagdarasal at pagsamba. For comments please email Esmail saleh Abdulrahman at This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it

 
Banner

By Federation of Maranao Associations in Saudi (FEMAS), All rights reserved